Write a tribute

 
 
 

Fields marked with * are required.
Your E-mail address won't be published.
It's possible that your entry will only be visible in the guestbook after we reviewed it.
We reserve the right to edit, delete, or not publish entries.
Janeth Laquindanum Rufino Janeth Laquindanum Rufino wrote on October 25, 2024 at 9:40 am
Rev. Francisco Bilog ISA KANG BUHAY NA ALAALA Ako ay nabigla sa isang malungkot na balita, Na ikaw pastor Frank ay pumanaw na, Di ko mapigil ang pagpatak ng aking luha, Dahil isa sa itinuturing naming ama ng EMPAC ay namaalam na. Labis kong pinasasalamatan sa Diyos ang iyong katapatan, Isa ka sa mga itinuturing na haligi ng UMC na... Read more
Rev. Francisco Bilog ISA KANG BUHAY NA ALAALA
Ako ay nabigla sa isang malungkot na balita,
Na ikaw pastor Frank ay pumanaw na,
Di ko mapigil ang pagpatak ng aking luha,
Dahil isa sa itinuturing naming ama ng EMPAC ay namaalam na.
Labis kong pinasasalamatan sa Diyos ang iyong katapatan,
Isa ka sa mga itinuturing na haligi ng UMC na aming pinagpipitagan,
Sa angkin mong talento, kahusayan at katapatan,
Maraming humanga, pinagpala at nabiyayaan.
Ang kumperensya ay animoy kulang kung wala ka,
Dahil kapag ikaw ay nangusap kalimitan problema ay solve na,
Book of descipline ay halos memoryado mo na,
Sagot sa mahihirap na tanong ay nasasagot mo ng tama.
Pasensya ka na kung minsan magkaiba ating prinsepyo at paninindigan,
Ngunit paghanga ko sa iyo ay di kailan man nabawasan,
Kinikilala ka naming mentor at nakatulong sa maraming mga kapastoran,
Para sa amin isa kang buhay na alalaalang di namin malilimutan.
Salamat pastor sa napakalaking ambag mo sa simbahan,
Ikaw ay magandang halimbawa sa mga taong iyong pinaglingkuran,
Pagmamahal mo sa Diyos at simbahan ay iyong inalay,
Hanggang sa huling sandali ng iyong buhay.
Aking ipinaabot taos puso kong pakikiramay,
Sa love na love mong si ate Del at sa buong pamilyang nalulumbay,
Alam kong labis ang lungkot kapag minamahal ay mawalay,
Ngunit alam kong kaaliwan at pagmamahal ng Diyos ang sa kanilay laging magpapatibay.
Paalam pastor Frank Bilog na aming minamahal,
Batid kong ngayon ay patuloy kang inaaruga ng ating Maykapal,
Minamahal mong pamilya kasama sa aming dasal,
Patuloy silang sasamahan at gagabayan ng Diyos na banal.... Collapse
Please wait...

Back To Top